Bayan ng Castilla, mayroon ng sariling fire station

Mayroon ng sariling Fire Station ang bayan ng Castilla para sa pagresponde sa mga insidente ng sunog at ng iba pang emerhensya.

Nitong Miyerkules nang pasinayaan ang bagong gusali ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nasabing bayan na matatagpuan sa LGU compound.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

 Naging panauhing pandangal sa programa si Retired F/CSUPT Santiago Laguna habang dumalo rin ang iba pang mga opisya kabilang si SSUPT WALTER B MARCIAL BFP Region 5 Assistant Regional Director for Operations, CINSP SARENA SOCORRO S TOLARBA BFP Sorsogon Province Deputy Provincial Fire Marshal, Castilla Mayor Isagani Bong Mendoza, LGU Administrator Atty. Marilyn Valino, PNP, MDRRMO at PSMO.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, kasunod nito ay ginanap din ang blessing ng bagong emergency vehicle na nabili ng LGU bilang karagdagang transportasyon para sa emergency at medical response.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga nakatuwang para sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto.