Dela Rosa, nangako na poprotektahan nito si Duterte mula ICC probe

Nangako si Senator Ronald Bato Dela Rosa na poprotektahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kaniyang sarili mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court.

Kabilang sina Duterte at Dela Rosa sa mga akusado sa salang crimes against humanity para sa libo-libong extra-judicial killings na naganap noong panahon ng senador bilang head ng Philippine National Police.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ayon kay Dela Rosa, papayagan niya lamang ang mga kinatawan ng ICC na magpunta sa Pilipinas para lamang mag-obserba.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Gayunman, hindi niya pahihintulutan ang anuman imbestigasyon na maituturing na sampal sa judicial system ng Pilipinas.