Pinayuhan ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares si Senador Ronald Bato Dela Rosa ba paghandaan ang defense nito sa International Criminal Court na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs ng pamahalaan.
Iginiit ni Colmenares na hindi dapat ginagamit ang presidency bilang proteksyon sa criminal liability.
Ipinunto naman ni Colmenares na naging malinaw na ang tunay na rason ng pagtakbo ni Dela Rosa sa 2022 elections.
Ito ay matapos sabihin ng dating police chief na poprotektahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kaniyang sarili mula sa ICC sakaling manalo siya sa pagka-Pangulo sa 2022.
Ipinaliwanag naman ni Colmenares kay Dela Rosa na ginagawa ng ICC ang trabaho nito sa kabila ng kawalan ng kooperasyon ng akusado.
