Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi katanggap-tanggap ang security lapses sa Bilibid na nagresulta sa pagtakas ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Michael Cataroja sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Dela Rosa, ‘mortal sin’ na malayasan ng isang preso sa loob mismo ng maximum security.
Dagdag pa ng mambabatas, nakakahiya ito at dapat may managot na opisyal sa pagtakas ni Cataroja sa NBP; upang hindi na maulit ang insidente.
Aniya, kailangang magsagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang lawak ng command responsibility at kung aabot ba ito kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.
