Hati ang opinyon ng mga Senador sa pagdeklara bilang persona non grata kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian
Para kay Senador JV Ejercito, ilang beses na raw nahuli na nagsisinungaling si Wang hinggil sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Ejercito, sa palagay niya dapat ituring ng Pilipinas ang China bilang isang kalaban.
Samantala, nagbabala naman si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maging maingat ang gobyerno sa paghatol ng persona non grata sa Chinese Ambassador to the Philippines dahil hindi aniya dapat ito basta-bastang idenedeklara sa mga foreign ambassadors.
Dagdag pa ni Pimentel, hayaan na ang pamahaalan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mangasiwa sa isyu ng karagatan sa WPS.
