Defense at security cooperation sa pagitan ng PH at Vietnam, mas lalawak kasunod ng pagbisita ni Vietnam Defense Minister Phan Van Giang

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na mas titibay pa ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam kasunod ng pagbisita sa bansa ni Vietnam Defense Minister Phan Van Giang.

Ayon sa Pangulo, magbibigay daan ang pagbisita ni Giang upang higit pang palalimin at palawakin ang relasyon ng dalawang bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa panig naman ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro, naniniwala rin syang higit pang mapapatibay ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa pamamagitan ng pag pirma sa defense cooperation agreement ng Manila at Hanoi.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, tiwala naman si Phan Van Giang na patuloy na magkakaroon ng mahalagang papel ang Pilipinas upang higit na makapag ambag sa ASEAN community.