Balayan, Batangas – walang ipatutupad na lockdown kasunod ng mpox case ng isang 12-year-old na bata

Kinumpirma ni Balayan Mayor Emmanuel Fronda II, na walang lockdown na ipapatupad sa naturang bayan kasunod sa kaso ng mpox.

Matatandaan kasi na ang ika-14 na kaso ng mpox ay nagmula sa bayan ng Balayan, Batangas, at ito ay ang batang 12 – anyos pa lamang.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kasalukuyang nagpapagaling na umano ito ngayon.

Pinayuhan naman ang pamilya ng nakasalamuha ng pasyente na “type 1” na mag-quarantine sa bahay.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Hinimok ng alkalde ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga sabi-sabi at maling impormasyon na walang ibang layunin kung hindi maghasik ng takot.