Death toll sa COVID-19 Delta variant, 2 na- DOH

Dalawa na ang Pilipinong nasawi dahil sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isang 58 anyos na babae ang ikalawang nasawi dahil sa B.1617 variant.

Nagkaroon ito ng sintomas limang araw mula nang nagpacheck at nang dalhin ito sa emergency room ay malubha na ang kondisyon. Pumanaw ito sa parehong araw.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sinabi ni Vergeire na inaalam pa nila kug nabakunahan na laban sa COVID-19 ang 58 anyos na babae.

Aniya, magbibigay pa sila ng ibang detalye pagkatapos makuha ang lahat ng impormasyon kaugnay ng health status ng pasyente.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Mababatid na ang naunang namatay dahil sa mas nakakahawang variant ay galing sa MV Athens.

Ito ay isag 63 anyos na lalaking may hypertension, isa sa mga marino ng MV Athens Bridge.

Kahapon ay naitala ang 16 bagong Delta variant cases kung saan 11 ay kinukunsiderang local cases.