Death toll ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria, sumampa na sa 15K

KINUMPIRMA ng mga otoridad na sumirit na sa mahigit 15,000 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na naganap sa Turkey at Syria nitong araw ng Lunes.

Batay umano sa pinakahuling pagtataya ng Turkey’s Disaster and Emergency Management Agency ngayong Huwebes, umabot na sa kabuuang 12,391 ang death toll ng nasabing sakuna sa Turkey habang nasa 2,992 naman ang mga nasawi sa Syria makaraang madaganan ng mga bumagsak na gusali at debris bunsod ng malakas na pagyanig.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, sakabila ng pagdating ng mga rescuers mula sa iba’t-ibang mga bansa, inihayag ng isang miyembro ng Israeli medic team na lubha pa rin umanong kulang ang mga grupo at indibidwal na nagsasagawa ng rescue para mas mapadali ang operasyon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Inilarawan kase nitong lubha umanong “catastrophic” o kakila-kilabot ang sitwasyon at kalagayan sa dalawang nasabing mga bansa kung saan hindi rin umano madali ang mode of transportation dahil sa kakulangan ng mga sasakyang magdadala sa mga rescuers lalo na sa mga liblib at tagong lugar.

Kaugnay nito, nasa mahigit 60 mga aftershocks na rin ang nairecord ng US Geological Survey, matapos ang malakas na pagyanig.### JDR