Kagawad na nagpaputok ng baril sa Brgy. Sta. Cruz, handa raw harapin ang kasong isasampa

Tumanggi nang magsalita sa himpapawid ang barangay kagawad ng Tiniguiban na nakuhanan ng video na nagpaputok ng baril nitong nakalipas na Sabado, February 4, 2023.

Kaninang umaga ay tinungo ng Brigada ang tinitirhan ni Kgd. Ray Ramos subalit hindi nito napaunlakan ng panayam ang Brigada.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Gayunpaman, haharapin umano niya ang kasong isasampa sa kanya sa tamang venue tungkol sa kanyang pagpapaputok ng baril.

Nakaramdam di umano siya ng “banta” nang siya’y pumunta doon dahil nakita niya ang mga tao roon habang may bitbit na mga itak.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Samantala, nagpakita ang opisyal ng mga di umano’y pinanghahawakan niyang ‘deklarasyon’ kaya inaangkin niya ang daan-daang ektarya ng lupa sa barangay Sta. Cruz.