Mga ‘nananaga’ ng pamasahe sa tricycle sa Quezon, binalaan ng ALTRODA

BINALAAN muli ng presidente ng Alfonso XIII Tricycle Operators and Drivers Association (ALTRODA) sa Quezon Palawan ang mga operator at drayber ng tricycle na iwasan ang pananaga sa pamasahe o paniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero.

Ito ay kasunod ng panibagong reklamo na nakarating sa Altroda mula sa isang pasahero na may pangargang maliit na karton subalit pinabayaran pa umano ito ng drayber ng halagang trenta pesos galing sa Department Store.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay ALTRODA President Richard Carmelo, bawal ang ganitong sistema dahil may sinusundang taripa o fare matrix sa bawat distansya maliban kung may maliwanag na pag-uusap o kasunduan ang drayber at pasahero.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, sa oras na mapatunayan na nag-overcharge ang drayber ng TODA ay papatawan ito ng karampatang parusa na posibleng humantong pa sa kanselasyon ng prangkisa.