Mga apektado ng earthquake swarm sa Ragay , Camarines Sur isinailalim sa Mental Health Psychosocial Services

CAMARINES SUR- Natakot at ang iba ay nagkakatrauma na sa sunod-sunod na pagyanig sa Ragay,  Camarines Sur nitong weekends na naramdaman din sa mga karatig bayan sa lalawigan pati sa Camarines Norte at probinsya ng Quezon.

Kaya naman maliban sa assessment sa evacuation centers at pangangailangan ng mga residente kung lumakas pa sa Magnitude 5 ang lindol nagkaroon na ng Mental Health Psychosocial Services (MHPSS) sa mga apektadong pamilya sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Office kasama ang MSWDO at Department of Education (DepEd).

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Disaster Response Management Division Chief Claudio Villareal, sinabi nitong sa inisyal nilang pagtatala kasama ang mga opisina sa emergency response at Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office (EDMERO) wala namang naapektuhang tahanan pero handa pa rin ang DSWD sa mga sakaling may mas malakas na lindol.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Una nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ito ay earthquake swarm.  Nitong Agosto 20, umabot sa 45 na lindol ang plotted ng tanggapan, 35 ang naramdaman.  Ayon kay Dr. Paul Alanis ng PHIVOLCS Bicol, normal ito sa Bicol Region dahil tectonically o geologically active, at ilan sa mga sanga ng Philippine Fault Zone ay dumaraan sa lawigan ng Camarines Sur.