Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo siya muli sa COVID-19.
Sinabi ni Lorenzana na siya ay asymptomatic, at fully vaccinated na rin siya.
Inihayag ng kalihim na sasailalim ito sa self-isolation, kung saan ay oobserbahan niya ang kaniyang lagay sa loob ng maraming araw bago ito magpasuri muli.
Dahil naman dito ay minabuti ng Senado na suspendihin muna ang plenary debates nito kaugnay sa 2022 budget bill ngayong araw at iurong ang schedule nito sa November 22 o sa Lunes.
Hinimok naman ng Senado ang mga indibidwal na dumalo ng pisikal sa plenary debates noong Martes, November 16 na manatili sa bahay at mag-isolate sa loob ng ilang araw.
