DBM, umapela sa private sector na makiisa sa paggkamit ng ‘citizen-centered service delivery’

Nanawagan si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa private sector na tulungan ang gobyerno upang mapabuti ang public service, at ma-fast-track ang economic recovery ng Pilipinas.

Sa isang forum, sinabi ng Kalihim na ang nasabing event ay nakatuon sa Government Quality Management Program na naglalayong bigyan ng magandang serbisyo ang mga Pilipino.

Inilarawan ni Pangandaman, na ang programa ay para makamit ang “citizen-centered service delivery.”

Nais din, aniya, maparating ang mensahe sa mga stakeholders na tulungan sila sa advance public service upang mas tumaas ang recovery at transformation ng bansa.

Binigyang-diin din ng Budget Secretary ang kahalagahan ng matatag na pagtutulungan at pagkakaisa ng private sectors, gobyerno, at ng mga Pilipino upang masiguro ang ‘improved productivity, innovation, at inclusive engagement.’ // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *