Posibleng reaksiyon ni Gov. Rosal hinggil sa writ of execution, inihayag ni DILG Sec. Abalos

Bago pa man isinilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol ang writ of execution mula sa COMELEC en banc kaugnay ng disqualification case na isinampa laban kay noo’y Albay Gov. Noel Rosal ay una nang nagkaroon ng pag-uusap ang kalihim nito na si Sec. Benjur Abalos Jr., sa gobernador kung saan inihayag niya na mahinahon ang kanilang naging pag-uusap.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DILG Sec. Benjamin Abalos, kanyang sinabi na anuman ang maging desiyon ay nakikita niyang malugod itong tatanggapin ni Rosal batay sa ipinakita nitong reaksiyon nang sila ay magkausap hinggil sa writ of execution sa nabanggit na kaso.

Samantala, naging pinal na at tuluyan nang pinababa si Rosal sa kanyang posisyon matapos isilbi kahapon ng DILG Bicol ang writ of execution.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ngayon umano ay hindi pa masasabi kung makakabalik sa pwesto si Rosal dahil mayroon pa itong mga apela at hinihintay pa ang resulta nito. Panawagan naman ng kalihim sa mga Albayano na unawain na lamang ang proseso ng batas at sa kung ano pa man ang pasiya ng korte.