Kinilala ng Guinness World Records ang American na si David Rush bilang pinakamaraming Guinness World Records sa buong mundo.
Ito ay matapos madagdagan ang kaniyang pinakabagong World Record na maka 55 na Vinyl Records na nabasag sa loob ng 30 seconds.

Natalo niya ang isang Italian record Holder na si Silvio Saba na may 180 na titulo.
Samantala, si Rush ay isa ring motivational speaker sa mga kompanya kung saan tinatalakay niya ang kultura ng patuloy na paglago sa pamamagitan ng paghamon sa sarili.
Sa ngayon ay naghahanda na muli siya para sa sususnod nyang challenge at umaasang makasungkit muli ng panibagong world record.