Korte, nilinaw na hindi kinansela ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban Pastor Quiboloy

Nilinaw ng Davao City Regional Trial Court Branch 15 na hindi nila kinakansela ang warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at iba pang mga akusado sa kasong human trafficking at sexual abuse.

Read More:  Hontiveros orders Senate probe into Tacloban school shooting

Ayon sa Korte, mananatili ang mga proseso hinggil sa arrest order dahil ito ay nakasalig sa kautusan ng isa pang korte.

Read More:  Fuel prices may rise next week

Ang panibagong dokumento mula sa Davao court ay primado ni Judge Mario Duaves.

Mababatid na naglabas ng Temporary Protection Order ang Davao Court dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng kapulisan at mga miyembro ng KOJC.