Magbabalik Pilipinas ang American RNB singer na si Ne-Yo sa mga susunod na buwan bilang bahagi ng kanayng Champagne and Roses Concert world tour.
Nakatakdang mag-perform si Ne-Yo sa October 8 at gaganapin ito Araneta Coliseum.
Asahang madidinig ng manonood ang mga kantang Because of You, So Sick, Miss Independent, Sexy Love, Mad and Let Me Love You.
Huling nagtanghal si Ne-Yo sa Pilipinas noong January 2023, kung saan pinaakyat niya pa ang sarili nating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray para i-recreate ang kanyang iconic na “Lava Walk.” (Brigada News Intern – Marck Jay Lainez)
