Marian Rivera, hinangaan ng netizens dahil sa pagta-translate

Trending ngayon sa social media ang aktres na si Marian Rivera matapos pag-usapan ang kanyang pagdya-judge sa isang kompetisyon nitong linggo.

Sa question and answer portion kasi, tinanong ni Marian ang male contestant na si Jether Palomo ng tagalog question.

Ngunit mabait namang tinaong ni Jether si Marian kung puwede rin siyang magtanong sa English, dahil hindi ito nakakaintindi ng tagalog.

Saad ni Marian nang naka-game face, “I will try my best. Are you ready for this? Listen very carefully. Here’s my question”

At maganda niya ngang na i-translate ang tanong on the spot, kaya’t palakpakan din ang audience.

Pagkatapos ng translation, nginitian ni Marian ang kandidato at tumawa sabay peace sign.

Talaga nga namang “she did her best” dahil bukod sa live audience, humanga rin ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes.

Sa kanyang appreciation post sa Instagram, saad ni Dingdong, “Isang masigabong palakpak para sa iyo, Misis ko. P.S. ‘Di kailangan i-translate sa ingles, gets niyo na ‘to.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *