Hindi na makakapaglaro sa australian open sa susunod na linggo ang dating world no. 1 tennis tar na si Naomi Osaka matapos ianunsyo ang kanyang pagbubuntis.
Sa isang pahayag, sinabi niya na magbabalik lamang siya sa paglalaro matapos maisilang ang kanyang anak.

Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre.
Mula sa pagiging ranked number 1 noong 2019 ay nasa ranked number 47 na ito ngayon.//CA