CCFD Sec. Soriano nais na hilingin sa mga mambabatas ang pagpapasa ng batas sa pagpapababa ng ticket sa mga sinehan

Nais na hilingin ni Presidential adviser on creative communications at film director Paul Soriano sa mga mambabatas na magpasa ng batas para sa pagpapababa ng ticket sa mga sinehan.

Ang ganitong hakbang ayon kay Soriano ay magpapalago umano sa film industry ng bansa.

Sa obserbasyon pa niya, dumarami lamang ang mga nanonood sa sinehan tuwing sasapit ang Disyembre ngunit pagkatapos nito ay halos wala na umanong nanonood ng mga lokal na pelikula.

Inihalimbawa nito ang pagkakaroon ng mga libreng sakay na maaring maisagawa rin sa mga sinehan para sa ganun ay maraming tumangkilik sa mga lokal na pelikula.//CA