Dating taga-suporta ng NPA sa Nueva Vizcaya, nagbalik loob sa gobyerno

Boluntaryong sumuko sa mga alagad ng batas ang isang dating taga-suporta ng NPA sa lalawigan ng Nueva Vizacaya.

Kasabay ng pagbabaliko loob ni alyas Lino, supporter ng KLG Ifugao (Non-PSRTG Listed),isinuko din nito ang isang granada bilang simbolo ng kaniyang suporta sa EO 70 ng gobyerno, ang National task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Naging matagumpay ang pagsuko nito sa tulong ng magkatuwang na puwersa ng Ambaguio Police Station, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, Police Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit 2.

Base sa kaniyang rebelasyon, nahikayat siyang sumali sa grupo noong 1987 sa Ambaguio nina Ka Sammy at Ka Robin ng KLG Ifugao.

Nagsilbi siyang tagahatid ng mga pangangailangan ng mga CTG sa Bayombong, Tiblac, at Sitio Guinamgaman, Barangay Dulli, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Nagsilbi din siyang look-out at ang kaniyang bahay ay ginagamit tuwing may mga pagpupulong ang kanilang grupo.

Nagdesisyon si alyas Lino na sumuko para sa ikatatahimik at kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Ipinasakamay din nito ang isang Granada sa Ambaguio PS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *