Mainit na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng San Andres, sa Catanduanes ang bagong Rural Health Physician ng programang Doctor to the Barrio na si Dr. Wayne Keziah Corapan.
Sa naganap na seremonya, pormal na ipinakilala si Dr. Corapan at nagbigay galang sa opisina ng alkalde ng bayan.
Kasama niya rito sina Hon. Susan M. Flores, Chairman ng Committee on Health, Sanitation, Population Control and Nutrition; Mr. Kim Christian Nazareno, Administrative Officer V (HRMO III), at mga nurse ng San Andres Rural Health Unit.
Pansamantalang gagampanan ni Dr. Corapan ang tungkulin bilang Acting Municipal Health Officer para sa komunidad ng San Andres at kalaunan ay itatalaga siya sa Codon, San Andres upang maglingkod sa mas malawak na sakop ng barangay.### Rumer Grant, Intern