DSWD, inilagay na sa quick response para paigtingin ang pagtugon sa mga pamilyang sinalanta ng pagbaha sa Mindanao

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian ang regional director sa SOCCSKSARGEN at Zamboanga Peninsula na paigtingin ang pagtugon sa mga pamilyang sinalanta ng pagbaha sa Mindanao dahil sa habagat.

Iniutos din ng ahensiya ang agarang pagpapadala ng mga Family Foods Packs para sa augmentation ng DSWD regional offices.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nakapaghatid na ng food packs ang DSWD SOCCKSKARGEN at Zamboanga Peninsula sa flood affected provinces sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kabilang sa naaepktuhan ang Maguindanao del Norte; Maguindanao del Sur; Lanao del Sur; at mga apektadong pamilya sa special geographic area.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon sa ahensya, may koordinasyon na ang DSWD sa mga LGU para matukoy ang lawak ng pinsala at para sa interbensyon sa mga sinalanta ng baha.