Dating senador at human rights lawyer Rene Saguisag – pumanaw na sa edad na 84

Pumanaw na sa edad na 84 ang dating Senador at human rights advocate na si Rene Saguisag.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kaniyang anak na si Atty. Rebo Saguisag ang pagpanaw ng kaniyang ama.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Nagsilbi si Saguisag sa Senate of the Philippines mula 1987 hanggang 1992.

Bago ito, siya ay naging Presidential Spokesperson; at nag-practice ng abugasya bilang isang human rights lawyer mula 1972 hanggang 1986.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Nagpa-abot na rin ng pakikiramay ang ilan mga incumbent at former senators para sa pagpanaw ni Saguisag.

Naka-half mast na rin ang Watawat sa Senado bilang bahagi ng kanilang pagluluksa.