PNP: dumaan sa konsultasyon ang polisiya sa tattoo sa mga pulis

Tiniyak ng Philippine National Police na dumaan sa konsultasyon ang polisiya sa tattoo sa mga pulis.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo.

Ayon kay Col. Fajardo, hindi dinidiscriminate ng PNP ang sinumang may tattoo at naiintindihan nila na ang paglalagay nito ay isang form of self expression.

Ngunit binigyan-diin niya na ang PNP ay isang organisasyon , na may pangangailangang sumunod ang mga tauhan nito sa kanilang norms at code of conduct para mapanatali ang disiplina sa kanilang hanay.

Matapos maaprubahan noong March 19 ang PNP Memorandum Circular 2024-023 , sabi ni Col. Fajardo na hinihintay pa ang actual publication nito bago tuluyang maipatupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *