Umano’y ‘padulas’ ng pharma firms sa mga doktor – pinaiimbestigahan

Inamin ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go na totoong nakakabahala ang mga napapaulat na sabwatan ng mga doktor at pharmaceutical companies.

Ito ay matapos banggitin ni health advocate Dr. Anthony Leachon na may iilang kumpanya ang nagre-recruit ng mga doktor upang ireseta ang kanilang gamot kapalit ng mga luxurious car, foreign travels at pagpaayos ng condominum.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa Department of Health (DOH), Professional Regulation Commission (PRC) at iba pang ahensya ng gobyerno maging mga medical professional associations ba siyasatin kung totoo ang ulat na ito.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Pagpapaliwanag ng senador, hindi maituturing na katanggap-tanggap ang mga ganitong conflict of interest at paglabag sa ethical standards lalo na’t buhay ng mga Pilipino ang pinag-uusapan dito.