Mahigit 50 mangingisda sa Lawa ng Taal, sinita ng PCG

Umabot sa mahigit 50 mangingisda sa lawa ng Taal ang sinita ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), ito’y matapos ang patuloy na seaboard operations para sawayin ang mga pumapalaot na mangingisda.

Ilan sa mga sinita ng PCG ay mga residenteng nagtungo sa Pulo o sa mismong Volcano Island na nagpakain ng kanilang mga alagang tilapia.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dahil dito, ipinatupad na ng Coast Guard ang mas mahigpit na pagbabantay sa lawa ng Taal.

Mababatid na pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo at Laurel ang ilang mga residente doon na makabalik sa kani-kanilang mga barangay gamit ang mga ibinigay na waiver o travel pass upang makapagkain ng mga alagang hayop partikular ang mga alaga nilang isda sa limitadong oras.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa ngayon ay pinagsabihan lamang muna ng mga awtoridad ang mga mangingisdang lumabag.

Kakanselahin naman na ang permit ng kanilang mga fish cages kung masusundan pa ang ang kanilang paglabag.

Habang sa ikatlong paglabag naman ay kakasuhan na sila na may kaugnayan sa Republic Act 11038 o An Act Declaring Protected Areas and Providing for Their Management.