Dating pangulong Noynoy Aquino, inihatid na sa kanyang huling hantungan

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong hapon sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.

Inilibing si Aquino sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina dating pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Inihatid ang dating pangulo ng kanyang mga kapatid, pamangkin, mga brother in law, mga naging katrabaho, at mga kaibigan sa kanyang himlayan. 

Binigyan si Aquino ng full military honors kung saan may helicopter na nagsaboy ng dilaw na mga flower petals sa funeral site. 

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Si Military chief Cirilito Sobejana ang nag-abot ng folded Philippine flag sa eldest sister ni Aquino na si Ballsy Aquino-Cruz.

Ang pinakabatang kapatid naman ni PNoy na si Kris ang naglagay ng urn ng dating pangulo sa puntod kaninang alas 1:43 ng hapon.

Habang tinatakpan ang puntod ng dating pangulo ay kinanta ng live band ang kantang “Bayan Ko”.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Bago ang inurnment, may isinagawang funeral mass na pinangunahan ni Archbishob Socrates Villegas at ginanap sa Church of The Gesu sa Ateneo de manila University kung saan ginanap din ang isang araw na public viewing kahapon.

Binigyang pugay din sa huling pagkakataon ng mga kababayan natin ang dating pangulo habang ibina-biyahe ang kanyang abo patungo sa Memorial Park. Nagsagawa rin ng water salute para sa dating presidente.

Mababatid na pumanaw ng mapayapa si Aquino sa kanyang pagtulog noong Huwebes ng umaga, June 24 at crinemate rin sa parehong araw.