Dating myembro ng Army, biktima ng pamamaril sa Cotabato City

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang dating sundalo matapos pagbabarilin dakong ala 6:20 nitong gabi ng Myerkules sa Peñafrancia St., Brgy. Rosary Heights 11, Cotabato City.

Kinilala ni PNP Station 2 Commander Captain Teofisto Ferrer ang biktima na si SIEGFRIED RACKY FLOR T. ALIVIA, 36 anyos, may asawa, isang security guard at residente ng Pansacala, Prk. Pag-asa, Brgy. Rosary Heights 10.

Read More:  Love triangle eyed in Davao de Oro graduate shooting

Angkas ng biktima ang kanyang sinundong grade 7 na anak na babae sa isang kulay maroon na Rusi motorcycle ng pagbabarilin at ng bumagsak ay binabaan pa ng suspek at may kinuha kay SIEGRIED bago tumakas palayo sakay ng isa pang motor.

Read More:  Bus crashes into center island in Koronadal, five posts damaged

Nagtamo ng tama ng bala ng 45 Caliber pistol sa ulo at ibang parte ng katawan ang biktima base sa mga basyong narekober ng SOCO sa lugar.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa krimen habang patuloy ang pagtugis sa mga salarin.