Binigyan ng pagkilala ng tanggapan ni BTA Member of Parliament Dr. Susana Salvador-Anayatin at opisina ng Office for Settler Communities ang isang myembro ng Cafgu Active Auxiliary matapos magpakita ng kabayanihan kamakailan.
Mismong si MP Dr. Anayatin kasama si Deputy Director Peping Morales ang nag- abot ng certificate of Heroism kay CAA Jake D. Bucaling.
Ang pagawad ng parangal ay bilang pagkilala sa matapang at bayaning pagkilos ni Bucaling sa pagsagip sa nasugatang pulis na binaril ng hindi kilalang salarin sa bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City noong gabi ng Agosto 16, 2024.
Matatandaang biktima ng pamamaril ang myembro ng Traffic Enforcement Unit habang sakay ng kanyang motorsiklo .