Umapila sa lokal na pamunu-an sa probinsya ng Aklan ang isang dating myembro ng Non-Government Organization (NGO) na hindi obligahin ang publiko na mag pabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Mr. Armando Quinisio sa BRIGADA News FM Kalibo, linabag na ang karapatang pantao bilang isang civilian sa pag papapatupad ng “NO VACCINE, NO ENTRY POLICY” sa mga establisimento at transpotasyon sa probinsya.
Apektado na umano ang kanyang pamilya sa nasabing mandato ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.
Dapat umano na maging respondable ang mga lideres ng probinsya ng Aklan na pag-aralang mabuti kung ano ang magiging resulta sa publiko upang maiwasan ang pag kontra sa gobyerno.
Naniniwala si Quinisio na kailangang magtulungan ang publiko upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng mga enforcers ag civilian.
Sa ngayon, masikip umano ang daan ng publiko dahil ipinatutupad na vaccination requirement na klarong pag-labag sa human rights.//MARIVIC Y. ILIN