Dating COMELEC chair Pangarungan, wi-nelcome ang pagbasura sa DQ cases vs Marcos

Wi-nelcome ni dating Commission on Elections chairperson Saidamen Pangarungan ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon na layong ipabasura ang kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ng dating poll body chief na sa ginawang order ng Kataastaasang Hukuman ay tuluyan nang nawakasan ang mga hakbang na kume-kuwestyon sa validity ng certificate of candidacy ni Marcos.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Giit ni Pangarungan, pinatutunayan umano nito na wala na talagang makahahadlang at iba pang mga impediments sa panunumpa ni Marcos bukas.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Muli ring iginiit ng COMELEC na mananatili ang mandato ng kanialng tanggapan na panatiliin ang credible at tapat na halalan sa Pilipinas.
#