OVPsa ilalim ni Robredo – nakakuha ng highest COA rating sa ika-apat na pagkakataon

Isang araw bago pormal na bumaba ng puwesto – iiwan ni outgoing Vice President Leni Robredo ang kanyang opisina nang mayroong magandang track record.

Ito ay makaraang makuha niya sa ika-apat na beses ang pinaka-mataas na rating mula sa Commission on Audit.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa huli nitong araw sa Quezon City Reception House – ibinalita ni Robredo na mula 2018 hanggang 2021, kanilang nakuha ang ‘unqualified opinion’ na audit report mula sa COA.

Ito ang itinuturing na pinaka-mataas na audit report na ibinibigay ng COA sa isang government office.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa ulat, ilan sa mga pinakamagagandang programang isinagawa ng OVP sa loob ng anim na taon ay ang kanyang mga libreng swab tests, mabilis na pandemic at disaster response programs, at ang poverty reduction programs ng kanyang Angat Buhay project.
#