Naniniwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na imposible mangyari ang insidente ng hacking sa Commission on Elections.
Sinabi ng DICT na base sa kanilang preliminary findings ay naka-offline pa ang Vote-Counting Machine (VCM) system na dahilan upang maging imposible ang hacking.
Ipinunto rin ng ahensya na malabong ma-breach ang Automated Election System (AES) dahil kulang-kulang pa ang mga datos nito.
Una nang inutos ni Acting ICT Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng departamento na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sa napaulat na hacking sa datos ng poll body.
Ibinase ang naturang kautusan sa nailathalang ulat ng Manila Bulletin noong January 10 kung saan ay sinabi na nagkaroon umano ng access ang hackers sa servers ng Comelec na dahilan para manakaw ang ilan sa mga krusyal nitong files kabilang na ang usernames at personal identification numbers ng vote-counting machines (VCMs).
