Mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, bumagsak sa 556 ayon sa PNP

Mula sa 790 ay bumaba sa 556 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown dahil sa COVID-19.

Base sa datos ng Philippine National Police ay umabot sa 334 ang mga isinailalim sa granluar lockdown sa Cordillera, 138 sa Cagayan, 49 sa National Capital Region, 19 sa Mimaropa, at 16 sa Zamboanga.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Umabot naman sa kabuoan na 38,027 ang mga indibidwal na naapektuhan ng mga restriksyon.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Nag-deploy naman ang PNP ng 190 na tauhan at 386 na force multipliers sa mga na-lockdown na lugar upang tiyakin ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards.