Workers na nag-aplay para sa cash aid, sa Alert Level 3 areas, 22K na

Pumapalo na sa 22,000 na mga manggagawa sa pribadong sektor ang nag-aplay para sa cash assistance ng gobyerno, sa gitna ng Alert Level 3 status sa National Capital Region at iba pang lugar.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ang naturang mga workers ay pormal na sumailalim sa proseso, para makakuha sa alok na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 3.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Kaugnay nito, mahigit 5,000 na sa kanila ang mga naaprubahan na.

Sinabi naman ni Labor Asst. Secretary Dominique Tutay, na halos 12,000 na mga applications ay kailangang pang sumailalim sa evaluation, habang may mahigit 4,000 ang beneberipika.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, hindi naman kasama sa cash aid ang mga empleyado ng gobyerno, maging ang mga benepisyaryo ng DOLE-Department of Tourism CAMP Odette+ program. //MHEL PACIA-TRINIDAD