LEGAZPI – Nagbabala ang Daraga Municipal Police Station sa publiko na maging mapagbantay kontra sa ‘Laslas Gang modus operandi’ na madalas mangyari sa matao o pampublikong lugar kung saan ang mga kawatan ay dinidikitan o hinaharangan ang dinadaanan ng kanilang mabibiktima.
Ang grupong ito ay gumagamit ng blade o ano pa mang matutulis na bagay sa paglaslas ng bag o gamit.
Sa simula ay aagawin ng isa sa mga miyembro nila ang inyong atensyon habang may kasabwat namang nagsasagawa ng paglalaslas o pagdukot.
Kadalasang bag o bulsa ang kanilang nilalaslas.
Samantala, nagpa-alala naman ang pulisya na ipagbigay-alam agad kung meron mang nakaranas ng nasabing modus.