BNFM BICOL— Nakapagtala ng apat na mga aktibong kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes matapos ang ilang linggo na walang nairehistrong kaso ng sakit ang probinsya.
Batay sa pinaka latest na update ng Provincial Health Office, ang mga aktibong kaso ng sakit sa lalawigan ay mula sa mga bayan ng Virac, Caramoran, Viga at Bato.
Bunsod nito, pumalo na sa 3,191 ang mga kumpirmadong kaso ng sakit sa isla kung saan 3,055 naman sa mga ito ang recoveries habang nakapako sa 132 ang bilang ng mga nasawi.
Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang PHO sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards sakabila ng maluwag na restriction at mababang COVID-19 status na ipinatutupad sa Catanduanes###