Dance instructor na may kasong pangmomolestya sa menor de edad na alaki inaresto sa bayan ng Capalonga Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang dance instructor ang inaresto sa  isinagawang Manhunt Charlie Operation nitong Abril 01, 2022 bandang alas 8:30 ng umaga sa Purok 3. Barangay Itok,Capalonga, Camarines Norte ng mga tauhan ng Capalonga MPS sa pamumuno ni PCPT TEDDY B FLAGA, COP

Ang akusado ay kinilalang si alyas “JAY”, 29 anyos, residente ng Barangay Itok, Capalonga, Camarines Norte, ika-6 sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons sa Bayan ng Capalonga.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Si JAY ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape by Sexual Assault under Art. 266-A In Rel. to R.A 7610 na ipinalabas  ni Hon. Leo Lumabad Intia,   Acting Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 64, Labo Camarines Norte noong Marso 28, 2022  at rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Dalawang Daang Libong Piso ( Php 200, 000.00) pesos.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon sa ulat, si JAY ang akusado sa pangmomolestiya sa isang menor de edad na lalaki na naganap noong Enero, taong 2022 sa bayan ng Capalonga Camarines Norte

Ang nasabing personahe ay nasa kostudiya ng Capalonga Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.