Dalawang pulis-SJDM – sibak matapos ang jailbreak

Dalawang duty custodial officer ng San Jose Del Monte (SJDM) Police Station ang sinibak sa pwesto matapos matakasan ng 8 persons under PNP Custody (PUPCs) kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Police Master Sergeant Rod Pating, imbestigador sa kaso, kasalukuyang nasa admin holding facility ng SJDM police ang 2 pulis na ang ranggo ay isang Police Master Sergeant at Police Senior Master Sergeant habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Kahapon matapos ang pagpuga, ay agad na inalis ang mga ito sa pwesto.

Sa kasalukuyan, 4 mula sa 8 PUPCs na ang naibalik sa pasilidad.

Dalawa sa mga ito ay may kasong may kinalaman sa iligal na droga, isa ang may kasong robbery habang isa ay may kasong arson.

Nagawang makatakas ng mga ito mula sa selda 4 ng SJDM Police sa pamamagitan ng pagsira o paglagari ng steel bar o bakal sa harang ng bintana sa comfort room.

Sinabi ni Pating, iniimbestigahan pa kung paano naipasok ang lagaring ginamit sa pagtakas.

Patuloy pa ang isinasagawang operasyon ng pulisya para mahuli ang natitirang apat na escapees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *