Isang lola nagtapos ng Junior High sa Subic

Ipinakita ng isang lola mula sa Subic, Zambales na hindi hadlang ang edad para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ito ay sa katauhan ni Lola Lily Pajes na taga Barangay Matain Subic, Zambales at kasalukuyang utility personnel ng Kolehiyo ng Subic.

Nag-enrol si Loa Lily sa Alternative Learning System sa Matang-Ib Community Learning Center sa Barangay Cawag at nagtapos ng junior high school nitong June 1.

Samantala, bukod sa kanyang pagtatapos ay tumanggap siya ng special award na “natatanging parangal” sa mga learners na may edad na habang pangarap din niya na makapagtapos ng senior high at makapag-aral sa kolehiyo.//Jeff Valdez-BNFM Olongapo

Photo: JUAN DEVERATURDA (SUBIC PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *