Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng kaso laban sa dalawang workers sa na-raid na POGO firm sa Porac, Pampanga.
Sa resolusyon, nagbigay-suhestyon ang DOJ panel ng mga prosecutors ng qualified trafficking charge para i-file laban sa isa sa mga respondents, habang kidnapping charge naman laban sa isa pa.
Samantala, ibinasura naman ng mga prosecutors ang kidnapping and serious illegal detention, at trafficking complaint na inihain din sa mga ito.
Ang rekomendasyon ay kaugnay ng reklamong ifi-nile ng dalawang Chinese nationals noong Hulyo.
Mababatid na isang complainant ang dumating sa bansa noong October 2019, at na-recruit ito ng isa pang Chinese national para magtrabaho bilang isang chef noong May 2024.
Ipinagbili umano ang biktima, at dinala sa Lucky South 99 sa Porac kung saan siya pwersahang pinagtrabaho bilang isang scammer.