Backdoor exit ng bansa, ginagamit umano ng illegal recruiters para human trafficking

Tila ginagamit na para sa human trafficking ang ‘backdoor exit’ ng Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Raffy Tulfo, sa gitna ng isyu ng pagta-transport ng mga Pinoy palabas ng bansa ng mga illegal recruiters at human traffickers na nangako ng trabaho sa ibang bansa – bagay na naiulat sa opisina ng senador kamakailan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Tulfo na posibleng ang naturang exit ang ginamit ng mga Guo para makasibat ng bansa.

Dagdag pa nito, tila nahihikayat ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ng mga illegal recruiters na magtrabaho sa Europe bilang kapalit para sa P400,000 placement fee.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang paglabas umano ng mga ito ng bansa ay kakaiba.

Ang kabuoang nangyari sa mga biktima ay naiparating na sa Department of Migrant Workers, dahilan para ma-rescue ang mga OFW.

Ipinaalam na rin ito sa Senate Committee on Labor and Committee on Justice and Human Rights upang maimbestigahan.