Dalawang lineman sa Leyte – nakuryente; Isa patay, isa kritikal

Patay ang isang lineman at kritikal ang kanyang kasamahan matapos na askidenteng makuryente habang naglalagay ng solar streetlights sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte.

Kinilala ang nasawi kay Joel Relon, residente ng Alangalang, Leyte; samantala nagtamo naman ng 3rd degree burn ang kanyang kasamahan na si Ramil Garrido.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Tacloban mula sa mga otoridad, aksidente umanong nasagi ng dalawang lineman ang livewire mula sa poste ng Leyte Electric Cooperative, dahilan para silay makuryente.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Naisugod naman sa hospital ang dalawa pero si Joel ay idinikalarang dead-on-arrival, samantalang si Ramil naman ay patuloy pang ginagamot sa hospital. (with reports from JASON DELMONTE – 93.5 BNFM TACLOBAN)