Balik-kulungan ang 32-anyos na lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Novaliches.
Nakuha mula sa kanya ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000.
Ayon sa pulisya, dalawang linggo nilang minanmanan ang suspek at nakumpirma nila na sangkot ito sa pagtutulak ng ilegal na droga.
Napag-alaman na kalalaya lamang noong Abril ng suspek dahil sa kasong illegal posession of firearms.
Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.