Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdedeklara sa Misamis Occidental bilang insurgency-free province ngayong araw na ginanap sa Tangub city.
Inilarawan ng Pangulo ang kaganapan bilang “historical occasion”.
Resulta aniya ito ng mahabang panahon ng dedikasyon, kooperasyon, at pagkakaisa sa pagsusulong ng iisang layunin.
Pinasalamatan ng pangulo ang DILG, PNP, kooperasyon ng mga komunidad, at ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng national at local government, upang maisakatuparan ang pangarap na kapayapaan sa lugar.
Sabi pa ng Pangulo, kalakip ng kapayapaan ang kaunlaran, at pagyabong ng kabuhayan ng mga mamamayan sa lugar.
As of September, 2024, nasa 46 na proyekto na para sa lugar ang nakumpleto, 17 ang ongoing.
44 dito ay mga farm to market roads, syam ang nakatutok sa pagpapabuti ng water supply system, ang iba ay nakatutok sa health stations, rural electrification, at rehabilitasyon ng mga paaralan.