Dalawang lighthouse ng Philippine Coast Guard sa Region 2, bubuksan sa publiko

Bubuksan na sa publiko ng Philippine Coast Guard ang dalawa nitong parola o lighthouse ngayong hulyo bilang bahagi ng selebrasyon ng World Marine Aids to Navigation o WATON Day.

Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon na ang mga parolang ibubukas ay matatagpuan sa Centro, Buguey, Cagayan at LS Naidi ng San Antonio, Basco, Batanes.

Layunin nitong magbigay ng kaalaman sa publiko hinggil sa International Association of Marine Aids to Navigation and Lighthouse Authorities.

Bukas ang dalawang lighthouse mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa July 13,14,20,21,27, at 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *