Dalawang lalaking nahuling kumukuha ng mga alak na nahulog sa daan, hindi na sasampahan ng kaso

Aabot sa P400, 000 ang halaga ng mga nahulog na alak at softdrinks mula sa isang trailer truck matapos ang isang insidente sa Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Una rito, kinilala ang drayber ng trailer truck na si Jerry Gragasin, 36-anyos at residente ng San Isidro, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakatakda sanang i-deliver sa Gamu ang nasabing laman ng trailer truck subalit nahulog at nabasag ang 600 cases ng alak at softdrinks nang iniwasan ng drayber ang isang SUV na umagaw sa linya sa pakurbadang bahagi ng daan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mapalad naman ang dalawang naabutang lalaki na kumukuha ng mga nahulog na alak dahil iniurong na ng may-ari ang isasampa sanang kaso sa kanila matapos magkaroon ng amicable settlement.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaugnay nito, ang dalawang lalaki lamang ang naaresto dahil sila ang naabutan at naaktuhan ng pulisya ngunit paliwanag naman ng mga ito na natukso lamang silang kumuha dahil sa dami ng nagkalat na alak sa lugar.

Samantala, wala namang nadamay na ibang motorista sa naturang insidente