Patay ang isang pulis matapos masalpok ng Innova ang minamaneho nitong kotse sa bahagi ng Bypass Road, Barangay San Mateo, Tumauini, Isabela.
Ang nasawi ay kinilalang si Patrolwoman Agnes Guiquing, 27-anyos, nakadestino sa PNP San Guillermo habang kinilala naman ang drayber ng SUV na si Arvin Talosig mula sa Lungsod ng Cauayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station na binabagtas ng kotse ang bypass road sa pahilagang direksyon habang kasalungat naman na direksyon ang Innova at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw umano ng linya ang Innova dahilan upang masalpok ang kasalubong na kotseng minamaneho ng biktima.
Dahil sa lakas ng impact ay nagpaikot-ikot ang Innova habang wasak rin ang harapang bahagi ng kotse kung saan naipit ang policewoman sa loob ng kaniyang kotse dahilan upang magtamo ito ng malubhang injury.
Agad na dinala sa pagamutan si Patrolwoman Guiquing upang lapatan ng lunas subalit idineklara itong dead-on-arrival habang nagtamo naman ng minor injury ang drayber ng Innova